Juan 1

Siya ang tinutukoy ko nang sabihin ko, ‘May isang darating na kasunod ko na higit kaysa sa akin, sapagkat narito na siya bago pa man ako ipanganak.’

John 1:30 (UKJV) This is he of whom I said, After me comes a man which is preferred before me: for he was before me.

28Nangyari ito sa Betania, sa kabila ng Ilog Jordan, kung saan nagbabautismo si Juan.

29Kinabukasan, nakita ni Juan si Hesus na papalapit sa kanya. Sinabi niya sa mga tao, “Narito ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!

30Siya ang tinutukoy ko nang sabihin ko, ‘May isang darating na kasunod ko na higit kaysa sa akin, sapagkat narito na siya bago pa man ako ipanganak.’

31Noong unaʼy hindi ko rin kilala kung sino siya. Ngunit naparito akong nagbabautismo sa tubig upang ipakilala siya sa Israel.”

32Pagkatapos, nagpatotoo si Juan, “Nakita ko ang Espiritu na bumaba mula sa langit tulad ng isang kalapati at nanatili sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.