Juan 1

Kinabukasan, nakita ni Juan si Hesus na papalapit sa kanya. Sinabi niya sa mga tao, “Narito ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!

John 1:29 (UKJV) The next day John sees Jesus coming unto him, and says, Behold the Lamb of God, which takes away the sin of the world.

27Siya ang sinasabi kong darating na kasunod ko, na kahit ang magkalag ng tali ng kanyang sandalyas ay hindi ako karapat-dapat.”

28Nangyari ito sa Betania, sa kabila ng Ilog Jordan, kung saan nagbabautismo si Juan.

29Kinabukasan, nakita ni Juan si Hesus na papalapit sa kanya. Sinabi niya sa mga tao, “Narito ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!

30Siya ang tinutukoy ko nang sabihin ko, ‘May isang darating na kasunod ko na higit kaysa sa akin, sapagkat narito na siya bago pa man ako ipanganak.’

31Noong unaʼy hindi ko rin kilala kung sino siya. Ngunit naparito akong nagbabautismo sa tubig upang ipakilala siya sa Israel.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.