Juan 1

Siya ang sinasabi kong darating na kasunod ko, na kahit ang magkalag ng tali ng kanyang sandalyas ay hindi ako karapat-dapat.”

John 1:27 (UKJV) He it is, who coming after me is preferred before me, whose shoe's latchet I am not worthy to unloose.

25ay muling nagtanong, “Bakit ka nagbabautismo kung hindi naman pala ikaw ang Mesias, o si Elias, o ang Propeta?”

26Sumagot si Juan, “Nagbabautismo ako sa tubig, ngunit nariyan ngayon sa inyong kalagitnaan ang isang taong hindi ninyo nakikilala.

27Siya ang sinasabi kong darating na kasunod ko, na kahit ang magkalag ng tali ng kanyang sandalyas ay hindi ako karapat-dapat.”

28Nangyari ito sa Betania, sa kabila ng Ilog Jordan, kung saan nagbabautismo si Juan.

29Kinabukasan, nakita ni Juan si Hesus na papalapit sa kanya. Sinabi niya sa mga tao, “Narito ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.