24Kaya ang mga sinugo kay Juan na mula sa mga Pariseo
25ay muling nagtanong, “Bakit ka nagbabautismo kung hindi naman pala ikaw ang Mesias, o si Elias, o ang Propeta?”
26Sumagot si Juan, “Nagbabautismo ako sa tubig, ngunit nariyan ngayon sa inyong kalagitnaan ang isang taong hindi ninyo nakikilala.
27Siya ang sinasabi kong darating na kasunod ko, na kahit ang magkalag ng tali ng kanyang sandalyas ay hindi ako karapat-dapat.”
28Nangyari ito sa Betania, sa kabila ng Ilog Jordan, kung saan nagbabautismo si Juan.