34Ito nga ang nakita ko, kaya pinapatotohanan ko na siya ang Anak ng Diyos.”
35Kinabukasan, naroon ulit si Juan kasama ang dalawa sa mga alagad niya.
36Nang makita niya si Hesus na dumaraan, sinabi niya, “Tingnan ninyo, narito ang Kordero ng Diyos!”
37Nang marinig iyon ng dalawang alagad niya, sinundan nila si Hesus.
38Lumingon si Hesus at nakita silang nakasunod. Kaya tinanong niya sila, “May kailangan ba kayo?” Sumagot sila, “Rabbi, saan po kayo tumutuloy?” (Ang ibig sabihin ng Rabbi ay “Guro”.)