Juan 1

Lumingon si Hesus at nakita silang nakasunod. Kaya tinanong niya sila, “May kailangan ba kayo?” Sumagot sila, “Rabbi, saan po kayo tumutuloy?” (Ang ibig sabihin ng Rabbi ay “Guro”.)

John 1:38 (UKJV) Then Jesus turned, and saw them following, and says unto them, What seek all of you? They said unto him, Rabbi, (which is to say, being interpreted, Master,) where dwell you?

36Nang makita niya si Hesus na dumaraan, sinabi niya, “Tingnan ninyo, narito ang Kordero ng Diyos!”

37Nang marinig iyon ng dalawang alagad niya, sinundan nila si Hesus.

38Lumingon si Hesus at nakita silang nakasunod. Kaya tinanong niya sila, “May kailangan ba kayo?” Sumagot sila, “Rabbi, saan po kayo tumutuloy?” (Ang ibig sabihin ng Rabbi ay “Guro”.)

39Sinabi sa kanila ni Hesus, “Halikayoʼt makikita ninyo.” Kaya sumáma ang dalawa at nakita nila ang tinutuluyan niya. Bandang alas kuwatro na noon ng hapon, at doon sila nanatili hanggang gabi.

40Ang isa sa dalawang nakarinig ng sinabi ni Juan at sumunod kay Hesus ay si Andres na kapatid ni Simon Pedro.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.