Juan 1

Sinabi sa kanila ni Hesus, “Halikayoʼt makikita ninyo.” Kaya sumáma ang dalawa at nakita nila ang tinutuluyan niya. Bandang alas kuwatro na noon ng hapon, at doon sila nanatili hanggang gabi.

John 1:39 (UKJV) He says unto them, Come and see. They came and saw where he dwelt, and abode with him that day: for it was about the tenth hour.

37Nang marinig iyon ng dalawang alagad niya, sinundan nila si Hesus.

38Lumingon si Hesus at nakita silang nakasunod. Kaya tinanong niya sila, “May kailangan ba kayo?” Sumagot sila, “Rabbi, saan po kayo tumutuloy?” (Ang ibig sabihin ng Rabbi ay “Guro”.)

39Sinabi sa kanila ni Hesus, “Halikayoʼt makikita ninyo.” Kaya sumáma ang dalawa at nakita nila ang tinutuluyan niya. Bandang alas kuwatro na noon ng hapon, at doon sila nanatili hanggang gabi.

40Ang isa sa dalawang nakarinig ng sinabi ni Juan at sumunod kay Hesus ay si Andres na kapatid ni Simon Pedro.

41Hinanap kaagad niya ang kapatid niyang si Simon at sinabi sa kanya, “Natagpuan na namin ang Mesias” (na kung isasalin ay Kristo).

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.