Juan 1

Hinanap kaagad niya ang kapatid niyang si Simon at sinabi sa kanya, “Natagpuan na namin ang Mesias” (na kung isasalin ay Kristo).

John 1:41 (UKJV) He first finds his own brother Simon, and says unto him, We have found the Messiah, which is, being interpreted, the Christ.

39Sinabi sa kanila ni Hesus, “Halikayoʼt makikita ninyo.” Kaya sumáma ang dalawa at nakita nila ang tinutuluyan niya. Bandang alas kuwatro na noon ng hapon, at doon sila nanatili hanggang gabi.

40Ang isa sa dalawang nakarinig ng sinabi ni Juan at sumunod kay Hesus ay si Andres na kapatid ni Simon Pedro.

41Hinanap kaagad niya ang kapatid niyang si Simon at sinabi sa kanya, “Natagpuan na namin ang Mesias” (na kung isasalin ay Kristo).

42Dinala niya si Simon kay Hesus. Tinitigan ni Hesus si Simon at sinabi, “Ikaw si Simon na anak ni Juan. Mula ngayoʼy tatawagin ka nang Cefas” (na kung isasalin ay Pedro).

43Kinabukasan, nagpasya si Hesus na pumunta sa Galilea. Dooʼy nakita niya si Felipe at sinabi niya rito, “Sumunod ka sa akin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.