Juan 1

Hinanap ni Felipe si Natanael at sinabi niya rito, “Natagpuan na namin ang taong tinutukoy ni Moises sa Kautusan, na siya ring isinulat ng mga propeta. Siya si Hesus na taga-Nazaret na anak ni Jose.”

John 1:45 (UKJV) Philip finds Nathanael, and says unto him, We have found him, of whom Moses in the law, and the prophets, did write, Jesus of Nazareth, the son of Joseph.

43Kinabukasan, nagpasya si Hesus na pumunta sa Galilea. Dooʼy nakita niya si Felipe at sinabi niya rito, “Sumunod ka sa akin.”

44Si Felipe ay taga-Betsaida, tulad nina Andres at Pedro.

45Hinanap ni Felipe si Natanael at sinabi niya rito, “Natagpuan na namin ang taong tinutukoy ni Moises sa Kautusan, na siya ring isinulat ng mga propeta. Siya si Hesus na taga-Nazaret na anak ni Jose.”

46Tinanong siya ni Natanael, “May mabuti bang nanggagaling sa Nazaret?” Sumagot si Felipe, “Halika, tingnan mo.”

47Nang makita ni Hesus na papalapit sa kanya si Natanael, sinabi niya, “Narito ang isang tunay na Israelita na hindi nandaraya.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.