45Hinanap ni Felipe si Natanael at sinabi niya rito, “Natagpuan na namin ang taong tinutukoy ni Moises sa Kautusan, na siya ring isinulat ng mga propeta. Siya si Hesus na taga-Nazaret na anak ni Jose.”
46Tinanong siya ni Natanael, “May mabuti bang nanggagaling sa Nazaret?” Sumagot si Felipe, “Halika, tingnan mo.”
47Nang makita ni Hesus na papalapit sa kanya si Natanael, sinabi niya, “Narito ang isang tunay na Israelita na hindi nandaraya.”
48Tinanong siya ni Natanael, “Paano ninyo ako nakilala?” Sumagot si Hesus, “Bago ka pa man tawagin ni Felipe, nakita na kita noong nasa ilalim ka ng puno ng igos.”
49Sinabi ni Natanael, “Rabbi, kayo nga ang Anak ng Diyos! Kayo ang hari ng Israel!”