46Tinanong siya ni Natanael, “May mabuti bang nanggagaling sa Nazaret?” Sumagot si Felipe, “Halika, tingnan mo.”
47Nang makita ni Hesus na papalapit sa kanya si Natanael, sinabi niya, “Narito ang isang tunay na Israelita na hindi nandaraya.”
48Tinanong siya ni Natanael, “Paano ninyo ako nakilala?” Sumagot si Hesus, “Bago ka pa man tawagin ni Felipe, nakita na kita noong nasa ilalim ka ng puno ng igos.”
49Sinabi ni Natanael, “Rabbi, kayo nga ang Anak ng Diyos! Kayo ang hari ng Israel!”
50Sinabi sa kanya ni Hesus, “Sumampalataya ka ba sa akin dahil lang sinabi kong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos? Higit pa rito ang masasaksihan mo.”