47Nang makita ni Hesus na papalapit sa kanya si Natanael, sinabi niya, “Narito ang isang tunay na Israelita na hindi nandaraya.”
48Tinanong siya ni Natanael, “Paano ninyo ako nakilala?” Sumagot si Hesus, “Bago ka pa man tawagin ni Felipe, nakita na kita noong nasa ilalim ka ng puno ng igos.”
49Sinabi ni Natanael, “Rabbi, kayo nga ang Anak ng Diyos! Kayo ang hari ng Israel!”
50Sinabi sa kanya ni Hesus, “Sumampalataya ka ba sa akin dahil lang sinabi kong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos? Higit pa rito ang masasaksihan mo.”
51Sinabi pa niya, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, makikita ninyo na bubukas ang langit, at akyat-baba ang mga anghel ng Diyos sa Anak ng Tao.”