18Walang makakakuha ng aking buhay, kundi kusa ko itong ibinibigay. May kapangyarihan akong ibigay ito, at may kapangyarihan din akong bawiin ito. Ito ang iniutos sa akin ng aking Ama.”
19Dahil sa sinabing ito ni Hesus, nagkaroon na naman ng pagtatalo ang mga tao.
20Marami sa kanila ang nagsasabi, “Baliw siya at sinasapian ng demonyo. Bakit nʼyo siya pinapakinggan?”
21Ngunit sinabi naman ng iba, “Hindi makakapagsalita nang ganyan ang sinasapian ng demonyo. At isa pa, paano siya nakakapagpagaling ng bulag kung totoong sinasaniban siya?”
22Dumating ang pagdiriwang ng Pista ng Pagtatalaga ng Templo sa Jerusalem. Taglamig na noon,