20Marami sa kanila ang nagsasabi, “Baliw siya at sinasapian ng demonyo. Bakit nʼyo siya pinapakinggan?”
21Ngunit sinabi naman ng iba, “Hindi makakapagsalita nang ganyan ang sinasapian ng demonyo. At isa pa, paano siya nakakapagpagaling ng bulag kung totoong sinasaniban siya?”
22Dumating ang pagdiriwang ng Pista ng Pagtatalaga ng Templo sa Jerusalem. Taglamig na noon,
23at naglalakad si Hesus sa bahagi ng Templo na kung tawagin ay Balkonahe ni Solomon.
24Pinalibutan siya ng mga tao at sinabi sa kanya, “Hanggang kailan mo kami paghihintayin? Kung ikaw nga ang Mesias, sabihin mo sa amin nang maliwanag.”