Juan 10

Pinalibutan siya ng mga tao at sinabi sa kanya, “Hanggang kailan mo kami paghihintayin? Kung ikaw nga ang Mesias, sabihin mo sa amin nang maliwanag.”

John 10:24 (UKJV) Then came the Jews round about him, and said unto him, How long do you make us to doubt? If you be the Christ, tell us plainly.

22Dumating ang pagdiriwang ng Pista ng Pagtatalaga ng Templo sa Jerusalem. Taglamig na noon,

23at naglalakad si Hesus sa bahagi ng Templo na kung tawagin ay Balkonahe ni Solomon.

24Pinalibutan siya ng mga tao at sinabi sa kanya, “Hanggang kailan mo kami paghihintayin? Kung ikaw nga ang Mesias, sabihin mo sa amin nang maliwanag.”

25Sumagot si Hesus sa kanila, “Sinabi ko na sa inyo kung sino ako, ngunit ayaw naman ninyong maniwala. Ang mga ginawa kong himala sa pangalan ng aking Ama ang nagpapatunay kung sino ako.

26Ngunit ayaw nʼyong maniwala sa akin dahil hindi kayo kabilang sa aking mga tupa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.