Juan 10

Nakikinig sa akin ang aking mga tupa. Kilala ko sila at sumusunod sila sa akin.

John 10:27 (UKJV) My sheep hear my voice, and I know them, and they follow me:

25Sumagot si Hesus sa kanila, “Sinabi ko na sa inyo kung sino ako, ngunit ayaw naman ninyong maniwala. Ang mga ginawa kong himala sa pangalan ng aking Ama ang nagpapatunay kung sino ako.

26Ngunit ayaw nʼyong maniwala sa akin dahil hindi kayo kabilang sa aking mga tupa.

27Nakikinig sa akin ang aking mga tupa. Kilala ko sila at sumusunod sila sa akin.

28Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan, at kailanman ay hindi sila mapapahamak. Walang makakaagaw sa kanila mula sa aking kamay,

29sapagkat walang makakaagaw sa kanila mula sa kamay ng aking Ama na siyang nagbigay sa kanila sa akin. Siya ang pinakamakapangyarihan sa lahat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.