30Ako at ang Ama ay iisa.”
31Dahil dito, dumampot ng mga bato ang mga tao upang batuhin siya.
32Ngunit sinabi sa kanila ni Hesus, “Ipinakita ko sa inyo ang maraming mabubuting gawa na ipinapagawa sa akin ng Ama. Alin sa mga ito ang dahilan kung bakit nʼyo akong babatuhin?”
33Sumagot sila, “Hindi ka namin babatuhin dahil sa mabuti mong gawa, kundi dahil sa paglapastangan mo sa Diyos. Sapagkat sinasabi mong ikaw ay Diyos gayong tao ka lang.”
34Sumagot si Hesus, “Hindi baʼt nakasulat sa inyong Kautusan na sinabi ng Diyos na kayoʼy mga diyos?