Juan 10

At hindi natin maaaring balewalain ang Kasulatan. Kaya kung tinawag niyang ‘diyos’ ang mga binigyan niya ng mensahe niya,

John 10:35 (UKJV) If he called them gods, unto whom the word of God came, and the scripture cannot be broken;

33Sumagot sila, “Hindi ka namin babatuhin dahil sa mabuti mong gawa, kundi dahil sa paglapastangan mo sa Diyos. Sapagkat sinasabi mong ikaw ay Diyos gayong tao ka lang.”

34Sumagot si Hesus, “Hindi baʼt nakasulat sa inyong Kautusan na sinabi ng Diyos na kayoʼy mga diyos?

35At hindi natin maaaring balewalain ang Kasulatan. Kaya kung tinawag niyang ‘diyos’ ang mga binigyan niya ng mensahe niya,

36bakit nʼyo sinasabing nilalapastangan ko ang Diyos dahil sa sinabi kong akoʼy Anak ng Diyos? Pinili ako ng Ama at sinugo niya rito sa mundo.

37Kung hindi ko ginagawa ang mga ipinapagawa ng Ama, huwag kayong maniwala sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.