Juan 10

Kapag nailabas na niya ang mga tupa, nauuna siya sa kanila at sumusunod naman ang mga tupa dahil kilala nila ang boses niya.

John 10:4 (UKJV) And when he puts forth his own sheep, he goes before them, and the sheep follow him: for they know his voice.

2Ngunit ang dumadaan sa pintuan ay ang pastol ng mga tupa.

3Pinapapasok siya ng tagapagbantay sa pintuan, at kilala ng mga tupa ang boses niya. Tinatawag niya ang mga tupa sa kani-kanilang pangalan at inilalabas sa kulungan.

4Kapag nailabas na niya ang mga tupa, nauuna siya sa kanila at sumusunod naman ang mga tupa dahil kilala nila ang boses niya.

5Ngunit hindi sila susunod sa hindi nila kilala; sa halip, lalayuan nila ito, dahil hindi nila kilala ang boses nito.”

6Sinabi ni Hesus sa mga Pariseo ang paghahalintulad na ito, ngunit hindi nila naintindihan ang ibig niyang sabihin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.