Juan 10

Sinabi ni Hesus sa mga Pariseo ang paghahalintulad na ito, ngunit hindi nila naintindihan ang ibig niyang sabihin.

John 10:6 (UKJV) This parable spoke Jesus unto them: but they understood not what things they were which he spoke unto them.

4Kapag nailabas na niya ang mga tupa, nauuna siya sa kanila at sumusunod naman ang mga tupa dahil kilala nila ang boses niya.

5Ngunit hindi sila susunod sa hindi nila kilala; sa halip, lalayuan nila ito, dahil hindi nila kilala ang boses nito.”

6Sinabi ni Hesus sa mga Pariseo ang paghahalintulad na ito, ngunit hindi nila naintindihan ang ibig niyang sabihin.

7Kaya muling nagsalita si Hesus at sinabi, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ako ang pintuan ng mga tupa.

8Ang lahat ng nauna sa akin ay mga magnanakaw at mga tulisan, ngunit hindi sila pinakinggan ng mga tupa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.