6Sinabi ni Hesus sa mga Pariseo ang paghahalintulad na ito, ngunit hindi nila naintindihan ang ibig niyang sabihin.
7Kaya muling nagsalita si Hesus at sinabi, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ako ang pintuan ng mga tupa.
8Ang lahat ng nauna sa akin ay mga magnanakaw at mga tulisan, ngunit hindi sila pinakinggan ng mga tupa.
9Ako ang pintuan; ang sinumang pumasok sa pamamagitan ko ay maliligtas. Magiging katulad siya ng tupa na malayang nakakapasok at nakakalabas ng kulungan, at makakatagpo siya ng pastulan.
10Dumarating ang magnanakaw upang nakawin at patayin ang mga tupa; kamatayan at pagkawasak ang dala niya sa kanila. Ngunit akoʼy naparito upang magkaroon ang mga tao ng buhay na ganap.”