Juan 11

Hindi pa nakakarating si Hesus sa nayong iyon. Naroon pa lang siya sa lugar kung saan sinalubong siya ni Marta.

John 11:30 (UKJV) Now Jesus was not yet come into the town, but was in that place where Martha met him.

28Pagkasabi niya nito, bumalik si Marta sa bahay nila. Tinawag niya ang kapatid niyang si Maria at binulungan, “Narito na ang Guro, at ipinapatawag ka niya.”

29Nang marinig ito ni Maria, dali-dali siyang tumayo at pinuntahan si Hesus.

30Hindi pa nakakarating si Hesus sa nayong iyon. Naroon pa lang siya sa lugar kung saan sinalubong siya ni Marta.

31Nang makita ng mga nakikiramay na Hudyo na tumayo si Maria at dali-daling lumabas, sinundan nila siya sa pag-aakalang pupunta siya sa libingan upang doon tumangis.

32Pagdating ni Maria sa kinaroroonan ni Hesus, nagpatirapa siya sa harap nito at sinabi, “Panginoon, kung narito lang sana kayo ay hindi sana namatay ang kapatid ko.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.