Juan 11

Pagdating ni Maria sa kinaroroonan ni Hesus, nagpatirapa siya sa harap nito at sinabi, “Panginoon, kung narito lang sana kayo ay hindi sana namatay ang kapatid ko.”

John 11:32 (UKJV) Then when Mary was come where Jesus was, and saw him, she fell down at his feet, saying unto him, Lord, if you had been here, my brother had not died.

30Hindi pa nakakarating si Hesus sa nayong iyon. Naroon pa lang siya sa lugar kung saan sinalubong siya ni Marta.

31Nang makita ng mga nakikiramay na Hudyo na tumayo si Maria at dali-daling lumabas, sinundan nila siya sa pag-aakalang pupunta siya sa libingan upang doon tumangis.

32Pagdating ni Maria sa kinaroroonan ni Hesus, nagpatirapa siya sa harap nito at sinabi, “Panginoon, kung narito lang sana kayo ay hindi sana namatay ang kapatid ko.”

33Nabagbag ang puso ni Hesus at naawa siya nang makita niyang umiiyak si Maria, pati na ang mga kasama nitong mga Hudyo.

34Tinanong niya sila, “Saan ninyo siya inilibing?” Sumagot sila, “Panginoon, halikayoʼt tingnan ninyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.