31Nang makita ng mga nakikiramay na Hudyo na tumayo si Maria at dali-daling lumabas, sinundan nila siya sa pag-aakalang pupunta siya sa libingan upang doon tumangis.
32Pagdating ni Maria sa kinaroroonan ni Hesus, nagpatirapa siya sa harap nito at sinabi, “Panginoon, kung narito lang sana kayo ay hindi sana namatay ang kapatid ko.”
33Nabagbag ang puso ni Hesus at naawa siya nang makita niyang umiiyak si Maria, pati na ang mga kasama nitong mga Hudyo.
34Tinanong niya sila, “Saan ninyo siya inilibing?” Sumagot sila, “Panginoon, halikayoʼt tingnan ninyo.”
35At si Hesus ay umiyak.