Juan 12

Nakakita si Hesus ng isang bisirong asno at sinakyan niya ito, gaya ng nakasaad sa Kasulatan,

John 12:14 (UKJV) And Jesus, when he had found a young ass, sat thereon; as it is written,

12Kinabukasan, nabalitaan ng maraming taong dumalo sa pista na papunta si Hesus doon sa Jerusalem.

13Kaya kumuha sila ng mga palaspas at sinalubong siya. Sumisigaw sila, “Papuri sa Diyos!” “Pinagpala ang dumarating sa ngalan ng Panginoon.” “Pagpalain ang hari ng Israel!”

14Nakakita si Hesus ng isang bisirong asno at sinakyan niya ito, gaya ng nakasaad sa Kasulatan,

15“Huwag kayong matakot, mga taga-Zion! Makinig kayo! Paparating na ang inyong hari na nakasakay sa isang bisirong asno!”

16Hindi pa naiintindihan noon ng mga alagad ni Hesus na iyon ay katuparan ng propesiya. Naintindihan lamang nila na ang mga nangyari ay katuparan ng nakasaad sa Kasulatan noong bumalik na si Hesus sa langit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.