Juan 12

Kaya kumuha sila ng mga palaspas at sinalubong siya. Sumisigaw sila, “Papuri sa Diyos!” “Pinagpala ang dumarating sa ngalan ng Panginoon.” “Pagpalain ang hari ng Israel!”

John 12:13 (UKJV) Took branches of palm trees, and went forth to meet him, and cried, Hosanna: Blessed is the King of Israel that comes in the name of the Lord.

11dahil siya ang dahilan kaya maraming Hudyo ang humihiwalay na sa kanila at sumasampalataya kay Hesus.

12Kinabukasan, nabalitaan ng maraming taong dumalo sa pista na papunta si Hesus doon sa Jerusalem.

13Kaya kumuha sila ng mga palaspas at sinalubong siya. Sumisigaw sila, “Papuri sa Diyos!” “Pinagpala ang dumarating sa ngalan ng Panginoon.” “Pagpalain ang hari ng Israel!”

14Nakakita si Hesus ng isang bisirong asno at sinakyan niya ito, gaya ng nakasaad sa Kasulatan,

15“Huwag kayong matakot, mga taga-Zion! Makinig kayo! Paparating na ang inyong hari na nakasakay sa isang bisirong asno!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.