Juan 12

dahil siya ang dahilan kaya maraming Hudyo ang humihiwalay na sa kanila at sumasampalataya kay Hesus.

John 12:11 (UKJV) Because that by reason of him many of the Jews went away, and believed on Jesus.

9Maraming Hudyo ang nakabalita na nasa Betania si Hesus. Kaya nagpuntahan sila roon, hindi lang dahil kay Hesus kundi upang makita rin si Lazaro na muli niyang binuhay.

10Kaya binalak din ng mga namamahalang pari na ipapatay si Lazaro,

11dahil siya ang dahilan kaya maraming Hudyo ang humihiwalay na sa kanila at sumasampalataya kay Hesus.

12Kinabukasan, nabalitaan ng maraming taong dumalo sa pista na papunta si Hesus doon sa Jerusalem.

13Kaya kumuha sila ng mga palaspas at sinalubong siya. Sumisigaw sila, “Papuri sa Diyos!” “Pinagpala ang dumarating sa ngalan ng Panginoon.” “Pagpalain ang hari ng Israel!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.