20May mga Griyego ring pumunta sa Jerusalem upang sumamba sa Diyos sa kapistahan.
21Lumapit sila kay Felipe na taga-Betsaida sa probinsya ng Galilea at nakiusap sa kanya. Sinabi nila, “Gusto po sana naming makita si Hesus.”
22Kaya pinuntahan ni Felipe si Andres, at magkasama silang pumunta kay Hesus upang ipaalam ang kahilingan ng mga ito.
23Sinabi ni Hesus sa kanila, “Dumating na ang oras upang luwalhatiin ang Anak ng Tao.
24Sinasabi ko sa inyo ang totoo, malibang mamatay ang isang butil ng trigong itinanim sa lupa, mananatili itong nag-iisa. Ngunit kung mamatay, tutubo ito at mamumunga nang marami.