36Kaya sumampalataya kayo sa ilaw habang narito pa, upang maliwanagan ang isipan ninyo.” Pagkasabi ni Hesus nito, umalis siya at hindi na nagpakita sa kanila.
37Kahit na nakita ng mga tao ang maraming himala na ginawa ni Hesus, hindi pa rin sila sumampalataya sa kanya.
38Ito ay upang maisakatuparan ang pahayag ni Propeta Isaias: “Panginoon, sino ang naniwala sa aming mensahe? May nakaunawa ba sa kapangyarihang ipinamalas mo?”
39Hindi sila naniwala dahil katulad din ng ipinahayag ni Isaias:
40“Binulag ng Diyos ang kanilang mga mata upang hindi sila makakita, at isinara niya ang kanilang mga isip upang hindi sila makaunawa, dahil baka manumbalik pa sila sa kanya, at pagalingin niya sila.”