Juan 12

“Binulag ng Diyos ang kanilang mga mata upang hindi sila makakita, at isinara niya ang kanilang mga isip upang hindi sila makaunawa, dahil baka manumbalik pa sila sa kanya, at pagalingin niya sila.”

John 12:40 (UKJV) He has blinded their eyes, and hardened their heart; that they should not see with their eyes, nor understand with their heart, and be converted, and I should heal them.

38Ito ay upang maisakatuparan ang pahayag ni Propeta Isaias: “Panginoon, sino ang naniwala sa aming mensahe? May nakaunawa ba sa kapangyarihang ipinamalas mo?”

39Hindi sila naniwala dahil katulad din ng ipinahayag ni Isaias:

40“Binulag ng Diyos ang kanilang mga mata upang hindi sila makakita, at isinara niya ang kanilang mga isip upang hindi sila makaunawa, dahil baka manumbalik pa sila sa kanya, at pagalingin niya sila.”

41Sinabi ito ni Isaias dahil nakita niya ang kaluwalhatian ni Hesus, at nagpahayag siya tungkol kay Hesus.

42Ganoon pa man, maraming pinuno ng mga Hudyo ang sumampalataya kay Hesus. Ngunit inilihim nila ang kanilang pananampalataya dahil sa takot na itiwalag sila ng mga Pariseo sa sinagoga.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.