Juan 12

Ako ang ilaw na dumating sa mundo. Naparito ako upang ang sinumang sumampalataya sa akin ay hindi na manatili sa kadiliman.

John 12:46 (UKJV) I am come a light into the world, that whosoever believes on me should not abide in darkness.

44Sumigaw si Hesus, “Ang sumasampalataya sa akin ay hindi lamang sa akin sumasampalataya, kundi sa nagsugo sa akin.

45At ang nakakita sa akin ay nakakita na rin sa nagsugo sa akin.

46Ako ang ilaw na dumating sa mundo. Naparito ako upang ang sinumang sumampalataya sa akin ay hindi na manatili sa kadiliman.

47“Ang sinumang nakarinig ng aking mga aral ngunit hindi sumunod ay hahatulan, ngunit hindi ako ang hahatol sa kanya. Sapagkat hindi ako naparito sa mundo upang hatulan ang mga tao kundi upang iligtas sila.

48May ibang hahatol sa ayaw tumanggap sa akin at sa aking mga aral. Ang mga salitang ipinangaral ko ang hahatol sa kanila sa huling araw.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.