25Sumandal ito kay Hesus at nagtanong, “Panginoon, sino po ang tinutukoy ninyo?”
26Sumagot si Hesus, “Kung sino ang bibigyan ko ng tinapay na isinawsaw ko, siya iyon.” Kaya kumuha si Hesus ng tinapay at matapos isawsaw ay ibinigay kay Judas na anak ni Simon Iscariote.
27Pagkatanggap ni Judas ng tinapay, pumasok sa kanya si Satanas. Sinabi ni Hesus sa kanya, “Gawin mo na agad ang gagawin mo.”
28Hindi naintindihan ng mga kasalo sa hapunan kung bakit sinabi iyon ni Hesus.
29Ang akala ng iba, inutusan lang ni Hesus si Judas na bumili ng mga kakailanganin sa pista o kayaʼy magbigay ng limos sa mga mahihirap, dahil siya ang tagapag-ingat ng pera nila.