Juan 13

Sumagot si Hesus, “Kung sino ang bibigyan ko ng tinapay na isinawsaw ko, siya iyon.” Kaya kumuha si Hesus ng tinapay at matapos isawsaw ay ibinigay kay Judas na anak ni Simon Iscariote.

John 13:26 (UKJV) Jesus answered, He it is, to whom I shall give a morsel, when I have dipped it. And when he had dipped the morsel, he gave it to Judas Iscariot, the son of Simon.

24Kaya sinenyasan ito ni Simon Pedro na tanungin si Hesus kung sino ang tinutukoy niya.

25Sumandal ito kay Hesus at nagtanong, “Panginoon, sino po ang tinutukoy ninyo?”

26Sumagot si Hesus, “Kung sino ang bibigyan ko ng tinapay na isinawsaw ko, siya iyon.” Kaya kumuha si Hesus ng tinapay at matapos isawsaw ay ibinigay kay Judas na anak ni Simon Iscariote.

27Pagkatanggap ni Judas ng tinapay, pumasok sa kanya si Satanas. Sinabi ni Hesus sa kanya, “Gawin mo na agad ang gagawin mo.”

28Hindi naintindihan ng mga kasalo sa hapunan kung bakit sinabi iyon ni Hesus.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.