Juan 13

Nang makaalis na si Judas, sinabi ni Hesus, “Ang Anak ng Tao ay luluwalhatiin na, at sa pamamagitan niyaʼy luluwalhatiin ang Diyos.

John 13:31 (UKJV) Therefore, when he was gone out, Jesus said, Now is the Son of man glorified, and God is glorified in him.

29Ang akala ng iba, inutusan lang ni Hesus si Judas na bumili ng mga kakailanganin sa pista o kayaʼy magbigay ng limos sa mga mahihirap, dahil siya ang tagapag-ingat ng pera nila.

30Pagkakain ni Judas ng tinapay, agad siyang umalis. Gabi na noon.

31Nang makaalis na si Judas, sinabi ni Hesus, “Ang Anak ng Tao ay luluwalhatiin na, at sa pamamagitan niyaʼy luluwalhatiin ang Diyos.

32At kung sa pamamagitan niyaʼy luluwalhatiin ang Diyos, siya ay luluwalhatiin din ng Diyos, at gagawin niya ito kaagad.

33“Mga anak, sandali na lang ninyo akong makakasama. Hahanapin ninyo ako, ngunit gaya ng sinabi ko sa mga pinuno nating mga Hudyo, hindi kayo makakapunta sa pupuntahan ko.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.