Juan 13

At kung sa pamamagitan niyaʼy luluwalhatiin ang Diyos, siya ay luluwalhatiin din ng Diyos, at gagawin niya ito kaagad.

John 13:32 (UKJV) If God be glorified in him, God shall also glorify him in himself, and shall immediately glorify him.

30Pagkakain ni Judas ng tinapay, agad siyang umalis. Gabi na noon.

31Nang makaalis na si Judas, sinabi ni Hesus, “Ang Anak ng Tao ay luluwalhatiin na, at sa pamamagitan niyaʼy luluwalhatiin ang Diyos.

32At kung sa pamamagitan niyaʼy luluwalhatiin ang Diyos, siya ay luluwalhatiin din ng Diyos, at gagawin niya ito kaagad.

33“Mga anak, sandali na lang ninyo akong makakasama. Hahanapin ninyo ako, ngunit gaya ng sinabi ko sa mga pinuno nating mga Hudyo, hindi kayo makakapunta sa pupuntahan ko.

34“Kaya isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: Magmahalan kayo. Kung paano ko kayo minamahal, ganoon din dapat ang pagmamahal nʼyo sa isaʼt isa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.