Juan 13

“Kaya isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: Magmahalan kayo. Kung paano ko kayo minamahal, ganoon din dapat ang pagmamahal nʼyo sa isaʼt isa.

John 13:34 (UKJV) A new commandment I give unto you, That all of you love one another; as I have loved you, that all of you also love one another.

32At kung sa pamamagitan niyaʼy luluwalhatiin ang Diyos, siya ay luluwalhatiin din ng Diyos, at gagawin niya ito kaagad.

33“Mga anak, sandali na lang ninyo akong makakasama. Hahanapin ninyo ako, ngunit gaya ng sinabi ko sa mga pinuno nating mga Hudyo, hindi kayo makakapunta sa pupuntahan ko.

34“Kaya isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: Magmahalan kayo. Kung paano ko kayo minamahal, ganoon din dapat ang pagmamahal nʼyo sa isaʼt isa.

35Kung nagmamahalan kayo, malalaman ng lahat na mga alagad ko kayo.”

36Nagtanong si Simon Pedro kay Hesus, “Panginoon, saan po kayo pupunta?” Sumagot si Hesus, “Sa ngayon ay hindi ka makakasama sa pupuntahan ko, pero susunod ka rin doon balang araw.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.