Juan 13

Nagtanong si Simon Pedro kay Hesus, “Panginoon, saan po kayo pupunta?” Sumagot si Hesus, “Sa ngayon ay hindi ka makakasama sa pupuntahan ko, pero susunod ka rin doon balang araw.”

John 13:36 (UKJV) Simon Peter said unto him, Lord, where go you? Jesus answered him, Where I go, you can not follow me now; but you shall follow me afterwards.

34“Kaya isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: Magmahalan kayo. Kung paano ko kayo minamahal, ganoon din dapat ang pagmamahal nʼyo sa isaʼt isa.

35Kung nagmamahalan kayo, malalaman ng lahat na mga alagad ko kayo.”

36Nagtanong si Simon Pedro kay Hesus, “Panginoon, saan po kayo pupunta?” Sumagot si Hesus, “Sa ngayon ay hindi ka makakasama sa pupuntahan ko, pero susunod ka rin doon balang araw.”

37Nagtanong pa si Pedro, “Panginoon, bakit hindi ako maaaring sumáma sa inyo ngayon? Handa naman akong mamatay para sa inyo.”

38Sumagot si Hesus, “Talaga bang handa kang mamatay para sa akin? Sinasabi ko sa iyo ang totoo, bago tumilaok ang manok, tatlong beses mong ikakaila na kilala mo ako.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.