Juan 13

Kung nagmamahalan kayo, malalaman ng lahat na mga alagad ko kayo.”

John 13:35 (UKJV) By this shall all men know that all of you are my disciples, if all of you have love one to another.

33“Mga anak, sandali na lang ninyo akong makakasama. Hahanapin ninyo ako, ngunit gaya ng sinabi ko sa mga pinuno nating mga Hudyo, hindi kayo makakapunta sa pupuntahan ko.

34“Kaya isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: Magmahalan kayo. Kung paano ko kayo minamahal, ganoon din dapat ang pagmamahal nʼyo sa isaʼt isa.

35Kung nagmamahalan kayo, malalaman ng lahat na mga alagad ko kayo.”

36Nagtanong si Simon Pedro kay Hesus, “Panginoon, saan po kayo pupunta?” Sumagot si Hesus, “Sa ngayon ay hindi ka makakasama sa pupuntahan ko, pero susunod ka rin doon balang araw.”

37Nagtanong pa si Pedro, “Panginoon, bakit hindi ako maaaring sumáma sa inyo ngayon? Handa naman akong mamatay para sa inyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.