Juan 14

Siya ang Espiritu ng katotohanan. Hindi siya matanggap ng mundo dahil hindi siya nakikita o nakikilala ng mga ito. Ngunit kilala nʼyo siya, dahil kasama nʼyo siya at siyaʼy sasainyo.

John 14:17 (UKJV) Even the Spirit of truth; whom the world cannot receive, because it sees him not, neither knows him: but all of you know him; for he dwells with you, and shall be in you.

15“Kung mahal nʼyo ako, sundin ninyo ang aking mga utos.

16At hihilingin ko sa Ama na bigyan niya kayo ng isa pang Patnubay na sasainyo magpakailanman.

17Siya ang Espiritu ng katotohanan. Hindi siya matanggap ng mundo dahil hindi siya nakikita o nakikilala ng mga ito. Ngunit kilala nʼyo siya, dahil kasama nʼyo siya at siyaʼy sasainyo.

18“Hindi ko kayo iiwan nang walang kasama; babalik ako sa inyo.

19Kaunting panahon na lang at hindi na ako makikita ng mundo, ngunit makikita nʼyo ako. At dahil buháy ako, mabubuhay din kayo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.