Juan 14

Kaunting panahon na lang at hindi na ako makikita ng mundo, ngunit makikita nʼyo ako. At dahil buháy ako, mabubuhay din kayo.

John 14:19 (UKJV) Yet a little while, and the world sees me no more; but all of you see me: because I live, all of you shall live also.

17Siya ang Espiritu ng katotohanan. Hindi siya matanggap ng mundo dahil hindi siya nakikita o nakikilala ng mga ito. Ngunit kilala nʼyo siya, dahil kasama nʼyo siya at siyaʼy sasainyo.

18“Hindi ko kayo iiwan nang walang kasama; babalik ako sa inyo.

19Kaunting panahon na lang at hindi na ako makikita ng mundo, ngunit makikita nʼyo ako. At dahil buháy ako, mabubuhay din kayo.

20Sa araw na iyon, malalaman ninyo na ako nga ay nasa aking Ama, at kayo ay nasa akin, at ako ay nasa inyo.

21“Ang sinumang tumatanggap at sumusunod sa mga utos ko ang siyang nagmamahal sa akin. At ang nagmamahal sa akin ay mamahalin din ng aking Ama. Mamahalin ko rin siya, at ipapakilala ko ang aking sarili sa kanya.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.