Juan 16

Ngayon alam na namin na alam nʼyo ang lahat ng bagay, dahil kahit hindi namin kayo tinatanong, alam nʼyo kung ano ang itatanong namin. Kaya naniniwala kami na galing kayo sa Diyos.”

John 16:30 (UKJV) Now are we sure that you know all things, and need not that any man should ask you: by this we believe that you came forth from God.

28Galing ako sa Ama at naparito ako sa mundo. Ngunit ngayon ay aalis na ako at babalik na sa Ama.”

29Sinabi ng mga alagad niya, “Ngayon poʼy nagsasalita na kayo sa amin nang malinaw at hindi sa pamamagitan ng talinghaga.

30Ngayon alam na namin na alam nʼyo ang lahat ng bagay, dahil kahit hindi namin kayo tinatanong, alam nʼyo kung ano ang itatanong namin. Kaya naniniwala kami na galing kayo sa Diyos.”

31Sumagot si Hesus sa kanila, “Kung ganoon, sumasampalataya na ba kayo ngayon sa akin?

32Ngunit darating ang oras, at dumating na nga, na magkakawatak-watak kayo at magkakanya-kanya, at iiwan nʼyo akong nag-iisa. Ngunit kahit iwan nʼyo ako, hindi ako nag-iisa dahil kasama ko ang Ama.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.