7Ngunit ang totoo, para sa ikabubuti ninyo ang pag-alis ko, dahil hindi sasainyo ang Patnubay kung hindi ako aalis. Ngunit kapag umalis na ako, isusugo ko siya sa inyo.
8Pagdating niya, ipapakita niya sa sanlibutan na makasalanan sila at ako namaʼy matuwid. At ipapakita rin niya na hahatulan sila ng Diyos.
9Ipapakita niya sa mga tao na makasalanan sila dahil hindi sila sumampalataya sa akin.
10Ipapakita niya na ako ay matuwid dahil pupunta ako sa Ama at hindi nʼyo na makikita.
11Ipapakita rin niya sa kanila na hahatulan sila ng Diyos dahil hinatulan na ang naghahari sa mundong ito.