Juan 17

“Ang panalangin koʼy hindi lang para sa kanila, kundi pati na rin sa mga sasampalataya sa akin sa pamamagitan ng pangangaral nila.

John 17:20 (UKJV) Neither pray I for these alone, but for them also which shall believe on me through their word;

18Isinugo mo ako rito sa mundo, kaya isinusugo ko rin sila sa mundo.

19At alang-alang sa kanila, itinatalaga ko ang aking sarili sa iyo, upang sila man ay maitalaga sa iyo sa pamamagitan ng katotohanan.

20“Ang panalangin koʼy hindi lang para sa kanila, kundi pati na rin sa mga sasampalataya sa akin sa pamamagitan ng pangangaral nila.

21Idinadalangin ko sa iyo, Ama, na silang lahat ay maging isa gaya natin. Kung paanong ikaw ay nasa akin at akoʼy nasa iyo, nawaʼy sila man ay sumaatin, upang maniwala ang mundo na ikaw ang nagsugo sa akin.

22Binigyan ko sila ng karangalan tulad ng ibinigay mo sa akin, upang silaʼy maging isa katulad natin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.