Juan 17

“Amang Makatarungan, kahit hindi ka nakikilala ng sanlibutan, nakikilala naman kita, at alam ng mga mananampalataya na ikaw ang nagsugo sa akin.

John 17:25 (UKJV) O righteous Father, the world has not known you: but I have known you, and these have known that you have sent me.

23Akoʼy nasa kanila at ikaʼy nasa akin, upang silaʼy lubos na maging isa. Sa ganoon ay malalaman ng sanlibutan na isinugo mo ako, at malalaman din nilang minamahal mo ang mga mananampalataya tulad ng pagmamahal mo sa akin.

24“Ama, gusto ko sanang makasama sa pupuntahan ko ang mga taong ibinigay mo sa akin, upang makita rin nila ang kapangyarihang ibinigay mo sa akin, dahil minahal mo na ako bago pa man nilikha ang mundo.

25“Amang Makatarungan, kahit hindi ka nakikilala ng sanlibutan, nakikilala naman kita, at alam ng mga mananampalataya na ikaw ang nagsugo sa akin.

26Ipinakilala kita sa kanila, at patuloy kitang ipapakilala upang ang pagmamahal mo sa akin ay mapasakanila at ako man ay mapasakanila.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.