Juan 18

Ngunit sinaway ni Hesus si Pedro, “Ibalik mo sa lalagyan ang espada mo. Sa palagay mo baʼy hindi ko titiisin ang paghihirap na ibinigay sa akin ng Ama?”

John 18:11 (UKJV) Then said Jesus unto Peter, Put up your sword into the sheath: the cup which my Father has given me, shall I not drink it?

9Sinabi niya ito upang matupad ang sinabi niya sa Ama, “Wala ni isa mang napahamak sa mga ibinigay mo sa akin.”

10Sa pagkakataong iyon, bumunot ng espada si Simon Pedro at tinaga ang alipin ng punong pari. Natagpas ang kanang tainga ng alipin na ang pangalan ay Malco.

11Ngunit sinaway ni Hesus si Pedro, “Ibalik mo sa lalagyan ang espada mo. Sa palagay mo baʼy hindi ko titiisin ang paghihirap na ibinigay sa akin ng Ama?”

12Dinakip si Hesus ng mga Romanong sundalo sa pangunguna ng kanilang kapitan, kasama ng mga guwardiyang Hudyo. Siyaʼy iginapos nila at

13dinala muna kay Anas na biyenan ni Caifas. Si Caifas ang punong pari nang taon na iyon,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.