11Ngunit sinaway ni Hesus si Pedro, “Ibalik mo sa lalagyan ang espada mo. Sa palagay mo baʼy hindi ko titiisin ang paghihirap na ibinigay sa akin ng Ama?”
12Dinakip si Hesus ng mga Romanong sundalo sa pangunguna ng kanilang kapitan, kasama ng mga guwardiyang Hudyo. Siyaʼy iginapos nila at
13dinala muna kay Anas na biyenan ni Caifas. Si Caifas ang punong pari nang taon na iyon,
14at siya ang nagpayo sa mga pinuno ng mga Hudyo na mabuti pang mamatay ang isang tao para sa buong sambayanan.
15Samantala, sinundan ni Simon Pedro at ng isa pang alagad si Hesus. At dahil kilala ng punong pari ang alagad na ito, nakapasok siyang kasama ni Hesus sa bakuran ng punong pari.