Juan 18

Nang masabi ito ni Hesus, sinampal siya ng isa sa mga guwardiya na malapit sa kanya. Sinabi ng guwardiya, “Bakit ganyan ka sumagot sa punong pari?”

John 18:22 (UKJV) And when he had thus spoken, one of the officers which stood by struck Jesus with the palm of his hand, saying, Answer you the high priest so?

20Sinabi ni Hesus, “Hayagan akong nagsasalita sa mga tao. Palagi akong nangangaral sa mga sinagoga at sa Templo kung saan nagtitipon-tipon ang lahat ng Hudyo. Wala akong itinuro nang palihim.

21Bakit nʼyo ako tinatanong ngayon? Tanungin nʼyo ang mga nakarinig sa akin; alam nila kung ano ang mga sinabi ko.”

22Nang masabi ito ni Hesus, sinampal siya ng isa sa mga guwardiya na malapit sa kanya. Sinabi ng guwardiya, “Bakit ganyan ka sumagot sa punong pari?”

23Sinagot siya ni Hesus, “Kung may masama akong sinabi, patunayan mo. Ngunit kung totoo ang sinabi ko, bakit mo ako sinampal?”

24Habang nakagapos pa si Hesus, ipinadala siya ni Anas kay Caifas na punong pari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.