Juan 19

Kaya sinabi ni Pilato, “Bakit ayaw mo akong sagutin? Hindi mo ba alam na may kapangyarihan akong palayain ka o ipapako sa krus?”

John 19:10 (UKJV) Then says Pilate unto him, Speak you not unto me? know you not that I have power to crucify you, and have power to release you?

8Nang marinig ito ni Pilato, lalo pa siyang natakot.

9Kaya muli niyang dinala si Hesus sa loob ng palasyo at tinanong, “Taga-saan ka ba?” Ngunit hindi sumagot si Hesus.

10Kaya sinabi ni Pilato, “Bakit ayaw mo akong sagutin? Hindi mo ba alam na may kapangyarihan akong palayain ka o ipapako sa krus?”

11Sumagot si Hesus, “Wala kang maaaring gawin sa akin kung hindi ka binigyan ng Diyos ng kapangyarihan. Kaya mas malaki ang kasalanan ng taong nagdala sa akin dito sa iyo.”

12Nang marinig ito ni Pilato, muli niyang sinikap na mapalaya si Hesus. Ngunit nagsigawan ang mga pinuno ng mga Hudyo, “Kapag pinalaya mo ang taong iyan, hindi ka kaibigan ng Emperador! Sapagkat ang sinumang nagsasabing hari siya ay sumasalungat sa Emperador.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.