7Sumagot ang mga pinuno ng mga Hudyo, “May batas kami. At ayon dito, dapat siyang mamatay dahil sinasabi niyang Anak siya ng Diyos.”
8Nang marinig ito ni Pilato, lalo pa siyang natakot.
9Kaya muli niyang dinala si Hesus sa loob ng palasyo at tinanong, “Taga-saan ka ba?” Ngunit hindi sumagot si Hesus.
10Kaya sinabi ni Pilato, “Bakit ayaw mo akong sagutin? Hindi mo ba alam na may kapangyarihan akong palayain ka o ipapako sa krus?”
11Sumagot si Hesus, “Wala kang maaaring gawin sa akin kung hindi ka binigyan ng Diyos ng kapangyarihan. Kaya mas malaki ang kasalanan ng taong nagdala sa akin dito sa iyo.”