5Nang lumabas si Hesus, suot ang koronang tinik at ang kulay ubeng kapa, sinabi ni Pilato, “Tingnan nʼyo siya!”
6Nang makita si Hesus ng mga namamahalang pari at ng mga guwardiya ng Templo, sumigaw sila, “Ipako siya sa krus! Ipako siya sa krus!” Ngunit sumagot si Pilato, “Kayo ang kumuha sa kanya at magpako sa krus, dahil kung sa akin lang ay wala akong makitang kasalanan sa kanya.”
7Sumagot ang mga pinuno ng mga Hudyo, “May batas kami. At ayon dito, dapat siyang mamatay dahil sinasabi niyang Anak siya ng Diyos.”
8Nang marinig ito ni Pilato, lalo pa siyang natakot.
9Kaya muli niyang dinala si Hesus sa loob ng palasyo at tinanong, “Taga-saan ka ba?” Ngunit hindi sumagot si Hesus.